Nasa bansang Malaysia ngayon sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP chief of staff General Eduardo Ano para sa launching ng Trilateral Air Patrol na siyang tututok sa air movements ng mga pinaghihinalaang kalaban ng pamahalaan lalo na ang mga lugar na posibleng daanan ng mga terorista.
Ayon kay AFP Spokesperson MGen. Restituto Padilla, kailangan na talagang higpitan ang security measures sa southern seas at palakasin ang patrolya sa karagatan.
Aminado ang militar na ang southern part ng Pilipinas ang siyang ginagawang trans shipment point ng mga terorista na dumadaan sa back door.
Binigyang-diin ni Padilla na malaki ang maitutulong ng naturang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia para pigilan ang tangkang karahasan ng mga teroristang grupo.
Present din sa launching ang mga defense ministers ng Malaysia at Indonesia.
Ang Trilateral Maritime Patrol ay inilunsad ngayong araw sa Subang Air Base sa Malaysia.
Naging oberver din ang mga defense chiefs ng Brunei at Singapore.