Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na magsasagawa ito ng una nitong trilateral maritime exercise kasama ang United States coast guard at Japan coast guard ) sa hunyo.
Sa isang pahayag, sinabi ng PCG na ang trilateral maritime exercise ay gaganapin sa vicinity waters sa Mariveles, Bataan mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 7.
Layunin ng maritime exercise na pahusayin ang interoperability ng tatlong bansa sa pamamagitan ng communication exercises, maneuvering drills, photo exercises, maritime law enforcement training, search and rescue, at passing exercises.
Magpapakita ng senaryo ang mga tauhan ng coast guard kung saan makakasagupa nila ang pinaghihinalaang sasakyang pandagat na sangkot sa piracy.
Gayundin, magsasagawa ng boarding inspection ang joint law enforcement team mula sa tatlong coast guards na susundan ng search and rescue operation.
Sinabi ng PCG na ipapakalat nito ang BRP Melchora Aquino, BRP Gabriela Silang, BRP Boracay, at isang 44-meter multi-role response vessel para sa maritime exercise.
Sa kabilang banda, ang US at Japan coast guard ay magpapadala ng United States Coast Guard Stratton (wmsl-752) at Akitsushima (plh-32).
Una na rito, isang arrival ceremony ang nakatakda sa Pier 15, South Harbor, Manila sa Hunyo 1.