Nanindigan si President Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi makaka-apekto ang trilateral agreement ng Pilipinas, US at Japan sa mga posibleng investments ng China sa bansa.
Sinabi ng Pangulo na walang kuneksiyon ang nasabing kasunduan sa mga pamumuhunan ng China Pilipinas.
“This is separate from any proposed or potential Chinese investments in the Philippines. How do I see it, how will it affect? I don’t see that it will affect, one way or the other,” pahayag ng Pangulong Marcos sa isang panayam.
Tinanong kasi ang Pangulo kung magkakaroon ng epekto sa investments ng China sa bansa ang ginaganap na trilateral meeting.
Pagtiyak ng Punong Ehekutibo na maari pa rin ipagpatuloy ng Beijing kung ano ang kanilang mga investments sa bansa.
Sa naging biyahe ng Pangulo sa Amerika, umaasa ito na makakuha ng US$100 billion investments mula sa trilateral meeting sa susunod na limang taon.