Naniniwala ang house leaders na lalong palalakasin ang defense and economic partnership ng Pilipinas sa Amerika at Japan, kasunod ng matagumpay na kauna-unahang trilateral summit na pinangunahan nina US President Joe Biden, Japanese Prime Minister Fumio Kishida, at President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
Ayon kina Senior Deputy Speaker and Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker; Quezon Rep. David “Jay-jay” Suarez, at Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe ang positibong resulta sa nasabing pulong ay magkakaron ng impact sa economic development, peace, security, and stability sa Indo-Pacific region.
Sinabi naman ni Gonzales na kanilang ikinalugod ang desisyon ng tatlong leaders na ilunsad ang Luzon Economic Corridor, na kumukunekta sa Subic Freeport, Clark Freeport, Metro Manila, at Batangas.
Ang nasabing proyekto ay malaking tulong para ma-realiazed ang mga high impact projects ng gobyerno gaya ng rail, ports modernization, clean energy at semiconductor supply chains, agribusiness, at pag upgrade sa mga civilian port sa Subic Bay.
Sa panig naman ni Suarez na ang unang trilateral summit ay lalong magpapalakas sa depensa sa soberenya at maritime rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Nagpahayag naman ng pagkabahala ang mga kalahok sa trilateral summit hinggil sa aksiyon ng China sa bahagi ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Nanindigan ang tatlong lider na ang Ayungin Shoal ay bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Hinimok naman ng tatlong lider ang China na sundin ang arbitral ruling na ipinagkaloob sa Pilipinas.
Ayon naman kay Majority Leader Mannix Dalipe na hindi nito maintindihan ang China kung bakit patuloy na nagiging agresibo lalo na sa mga barko ng Pilipinas.
Dagdag pa ni Dalipe na malinaw na ang Ayungin Shoal off Palawan sa south at Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc malapit sa Zambales at Pangalinan sa north part ay bahagi ng 200-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.