Hindi maiwasan ni dating Senador Antonio Trillanes IV na batikusin si dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na maraming nagtutulak para ito ay mapasama sa listahan ni Vice President Leni Robredo sa kaniyang ticket sa 2022 elections.
Sa social media account ni Trillanes ibinahagi nito ang ilang mga paniniwala ng partido nito na Magdalo kabilang ang hindi nila pagpili kay Colmenares sa line-up.
Ayon pa sa dating senador na sa kasaysayan ng bansa ay wala aniyang pakialam ang Makabayan sa kalagayan ng bansa dahil tanging ang kanilang pansariling interes ang kanilang tinitingnan.
Kinalaban pa aniya nila noon si dating Pangulong Benigno Aquino III at pumanig pa kay Pangulong Duterte.
Magugunitang naging usapin noong nakaraang mga araw ang hindi pagsali sa pangalan ni Colmenares sa senatorial list ni Robredo.
Sa panig ni Colmenares, naiintindihan aniya nito ang desisyon ni Robredo at ginawa lamang nito ang nararapat para sa kaniyang kandidatura.