Kumbinsido ang kritiko ng pangulo na si Sen. Antonio Trillanes IV na totoo ang mga alegasyon ng alyas Bikoy na nasa viral video online kung saan idinadawit ang pamilya ni President Rodrigo Duterte sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa.
Sa isang panayam pinuna ni Trillanes ang tugon ng Department of Justice (DOJ) sa lumutang na issue dahil tila nini-niyerbos umano ngayon ang kagawaran sa mga alegasyon ng lalaki sa video.
Hinamon ng senador ang pamahalaan na imbestigahan ang mga alegasyon ni “Bikoy†at hindi ang mga nasa likod ng kumalat na video.
Nitong Huwebes nang maareto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang web administrator ng MetroBalita.net na si Rodel Jayme.
Ito’y matapos mabatid na naka-link ang viral videos sa naturang website.
Sa ngayon sinampahan na ng kasong sedition si Jayme dahil sa nakitang online conversation nito na nagpapakita umano ng senyales na umaatake sa pamahalaan.