-- Advertisements --
Inireklamo ng consumer advocate na si Perfecto Tagalog sa tanggapan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Kampo Crame si dating Sen. Antonio Trillanes IV.
Sa panayam kay Tagalog, sinabi nito na inutusan siya ni Trillanes na idiin si ngayo’y Davao Rep. Paolo Duterte sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa kapalit ang hindi tinukoy na halaga nuong 2016.
Kasama ni Tagalog na nagtungo sa CIDG ang abogadong si Atty.Larry Gadon na legal counsel ni Peter Joemel Advincula o alyas Bikoy.
Ayon kay Gadon, ipinauubaya na nila sa pulisya ang pagtukoy sa kung anong kaso ang isasampa laban kay Trillanes.