Maglalabas umano sa susunod na linggo si dating senador Antonio Trillanes IV ng mga korapsyon na kinasasangkutan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go.
Ang nasabing banta ni Trillanes ay kasunod ng naging hamon ni Pangulong Duterte kay Senator Manny Pacquiao na pangalanan ang mga ahensiya ng gobyerno na sangkot sa korapsyon.
Inalala rin ng dating senator ang naging hamon niya sa pangulo na pumirma ng waiver noon para sa P2.2 billion BPI bank accounts na hindi nagawa dahil sa dami aniya nitong alibi.
Samantala, minaliit lamang ni Sen. Go ang naging banta ni Trillanes kung saan sinabi nito na nagpapapansin lamang ito dahil sa nagbabalak ito na tumakbo sa 2022 elections.
Dapat rin aniya na huwag nang hintayin na sa susunod na linggo pa kung talagang mayroon itong ilalabas na anomalya laban sa pangulo.