Tuluyan nang naghain ng reklamong plunder si dating Senator Antonio Trillanes IV sa DOJ laban kay dating President Rodrigo Duterte at Senator Bong Go kaninang hapon.
Ang reklamong ito ay may kinalaman sa mga proyekto ng nakalipas na administrasyon.
“All the elements of plunder are clearly present in this case. Mr. Bong Go, in conspiracy with Mr. Duterte, used his position, authority and influence to corner billions worth of government projects in favor of his father and brother, thus unduly enriching himself and the members of his immediate family. The evidence presented in the complaint is compelling and warrants a plunder charge.”
Ex-Sen. Antonio Trillanes IV
Kung maaalala, aabot sa P6.6 billion pesos na halaga ng government projects ang ini-award sa tatay at kapatid ni Bong Go sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Punto nang senador, lahat ng elemento ng plunder ay makikita sa kasong ito.
Sa ngayon, wala pang kometo ang kampo ng dating pangulo at kampo ni Sen. Bong Go.