Nakatakdang iapela ni dating senator Antonio Trillanes IV ang cyberlibel na kasong inihain kay dating presidential spokesperson Harry Roque.
Ayon kay Trillanes na hindi pa dapat magbunyi si Roque at hindi pa ito makakauwi kung naibasura ng piskalya ang kaso dahil ito ay kaniyang iaapela.
Noong nakaraang araw kasi ay ikinatuwa ni Roque ang pagbasura ni Quezon City Prosecutor Vimar Barcellano ang cyberlibel na kasong isinampa ni Trillanes kay Roque.
Kasama ni Roque na kinasuhan ni Trillanes ang vlogger na si Byron Cristobal at ilang hosts ng Sonshine Media Network Inc. dahil sa pag-atake sa kaniya.
Nagbunsod ang atake sa alegasyon na ibinenta umano nito ang Scarborough Shoal China noong italaga siya ni dating Pangulong Benigno Aquino III bilang special envoy sa China.