-- Advertisements --

Tinawag ni dating Senador Antonio Trillanes III na isang bluffer si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi nito na napag-aralan na niya ang galaw at ugali ng dating pangulo kung saan idinadaan na lamang niya ito sa pananakot.

Tiniyak din nito na kaniyang ipapasa sa International Criminal Court (ICC) ang naging resulta ng pagdinig sa Quad Comm gaya ng ginawa nito sa Senado.

Naniniwala din nito na may bigat ang kasong isinampa niya laban sa dating pangulo ukol sa mga nangyaring drug war nito at ang pagiging protektor umano ng mga drug lord.