Bumuhos ang pagbati kay Oklahoma City Thunder superstar na si Russell Westbrook matapos na pormal na ring koronahan bilang 2017 NBA MVP.
Ang pagpili kay Westbrook ay inaasahan na rin matapos basagin ang triple double records sa NBA sa single season kung saan nagtala siya ng umaabot sa 42.
Ginanap ang awarding ceremony sa New York.
Tinalo naman ni Westbrook sa nasabing prestihiyosong award si James Harden ng Rockets at Kawhi Leonard ng Spurs.
Samantala, binigyan din ng award si Draymond Green mula sa kampeon na Warriors bilang 2017 NBA Defensive Player of the Year.
Si Giannes Antetokounmpo, 22, ng Bucks naman ay tinanghal na NBA’s Most Improved Player upang lampasan si Denver star Nikola Jokic at Utah’s Rudy Gobert.
Samantala si Malcom Brogdon ng Milwaukee Bucks ay nasungkit ang Rookie of the Year award.
Habang ang coach ng Rockets na si Mike D’Antoni ay napili bilang Coach of the Year sa ikalawang pagkakataon.
Kinilala rin ang basketball great na si Bill Russell at natanggap ang kauna-unahang Lifetime Achievement award.
Umakyat pa sa stage upang magbigay pugay sa kanya ang mga basketball Hall of Famers na sina Kareem Abdul-Jabbar, David Robinson, Shaquille O’Neal, Alonzo Mourning at Dikembe Mutombo.
Si Russel ay nanalo ng 11 championships bilang player ng Boston Celtics hanggang sa maging unang black coach sa NBA.
Kung maalala ang NBA Finals MVP award ay ipinangalan kay Russell.