-- Advertisements --
Inilista ni Goran Dragic ang 23 points, 12 rebounds at 11 assists para sa kanyang ikalawang career triple-double upang pamunuan ang Miami Heat sa 105-99 pagdomina sa Dallas Mavericks.
Dahil dito, nakakapit muli ang Heat sa ikawalong puwesto sa Eastern Conference at mahigitan ang Orlando para sa huling playoff spot sa standings.
Umasiste rin si Dion Walters na kumamada ng 17 points, at si Bam Adebayo na may 11 markers at 16 boards.
Hindi rin nagpaawat si Dwyane Wade na tumipon ng 11 points, kabilang na ang isinalpak nitong jumper sa huling 1:11 upang makuha nang tuluyan ng Miami ang kontrol.
Pumoste naman ng 19 points si rookie Luka Doncic upang akayin ang Mavs, na inalalayan din ni Dirk Nowitzki na may 13 points.