Hindi kinaya ng Los Angeles Lakers ang Memphis Grizzlies kahit mag-triple double performance pa si LeBron James.
Naitala ng Grizzlies ang kanilang ika-anim na panalo sa huling pitong games nang ibaon ang Lakers sa 108-95.
Maging ang all-around performance ni James na 20 points, 11 assists at 10 rebounds, at ang ginawa ni Anthony Davis na 22 points ay hindi naging sapat upang matigil ang kanilang apat na winning streak.
Ginamit ng Memphis ang final-push sa second half upang kumawala sa Lakers nang magsama-sama ng puwersa sina Jaren Jackson Jr. na may 25 points, Desmond Bane na nagdagdag ng 23 puntos.
Ang panibagong panalo ng Grizzlies ay sa kabila na hindi pa rin naglalaro ang kanilang leading scorer na si Ja Morant at top defender na si Dillon Brooks dahil nasa ilalim ng health and protocol protection ng NBA.