-- Advertisements --

Nagpasabog ulit ng panibagong triple-double si Russell Westbrook upang maigupo ng Oklahoma City Thunder ang Minnesota Timberwolves, 132-126.

Nagtapos na may 27 points, 10 rebounds at 15 assists si Westbrook para sa kanyang ika-32 triple-double ngayong season.

Nag-ambag din si Paul George na may 27 points, at si Dennis Schroder na ibinuhos ang 14 sa kanyang 21 points sa fourth quarter.

Bunsod nito, abanse pa ng half-game ang Thunder sa San Antonio para sa ikapitong puwesto sa Western Conference.

Nasayang naman ang 35 points ni Karl-Anthony Towns para sa Minnesota, maging ang 24 ni Andrew Wiggins at 23 ni Dario Saric.

Bagama’t baon sa 97-95 ang Oklahoma City sa pagpasok ng fourth quarter, agad na kumilos si Schroder upang pangunahan ang opensa ng Thunder.

Dahil dito, nakagawa ng 115-103 abanse ang Thunder, dahilan para hindi na makahabol pa ang Timberwolves sa nalalabing bahagi ng laro.