-- Advertisements --
Ceres vallacar transit

BACOLOD CITY – Ibinasura ng korte ang hinihinging na temporary restraining order (TRO) ng magkabilang kampo ng nag-aaway na Yanson siblings.

Kahapon ay nagdesisyon si Judge Eduardo Sayson, acting presiding Judge ng RTC Branch 53 Bacolod City na i-dismiss ang petisyon para sa TRO na hinihingi ni Leo Rey Yanson (LRY) na dating presidente at CEO ng Yanson Grouop of Bus Companies at ng pumalit sa kanya at kanyang kuya na si Roy.

Sa ngayon ay magpo-focus na lamang si Judge Sayson sa pagresolba kung ligal ba o hindi ang pag-kudeta nina Roy at mga kapatid na sina Emily, Ricardo Jr. at Ma. Celina kay Leo Rey nakaraang Hulyo 7.

Lalo na at lumalabas ngayon na wala ng voting rights si Emily dahil wala na itong share sa kompanya.

Ngunit inaasahang na matatagalan pa ito dahil sa Agosto 30 pa ang susunod na hearing para dito.

Kasunod nito ay sinabi ni Atty. Norman Golez, legal counsel ni LRY na sapat na ang desisyon ni Judge Sayson upang pigilan ang kampo ni Roy na itake-over ang mga terminals.

Ngunit para kay Atty. Sigfrid Fortun na legal counsel naman ni Roy, desisyon na ng bagong presidente ang pagtake-over sa mga terminals kung nananiwala siya na may sapat sila na bilang ng kanilang pinatalsik sa pwesto ang nakababatang kapatid na si LRY.