Tuluyan nang ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na inihain ng kampo ni dating Pang. Rodrigo Roa Duterte at Sen. Ronald Bato dela Rosa para sa agarang paglalabas ng TRO para harangin ang pag-aresto sa dating pangulo.
Una nang naghain ang kampo ng dating presidente ng Petition for Certiorari and Prohibition sa SC para pigilan ang pagdadala sa dating pangulo sa The Netherlands.
Matapos na pag-aralan ng SC En Banc ang 94 na pahinang petisyon, sinabi ng Korte Suprema na nabigo ang mga petioner na sina FPRRD at Sen. Ronald Bato Dela Rosa na magbigay ng malinaw at matibay na dahilan para sa paglalabas ng agarang TRO.
Una rito ay ipinag-utos rin ng SC sa mga respondents na magbigay ng kanilang komento hinggil sa petisyon sa loob ng sampung araw.
Wala pang komento ang kampo ng mga Duterte.