-- Advertisements --

Ginawa nang permanente ng Supreme Court (SC) ang temporary restraining order (TRO) na may petsang Marso 24, 2015 laban sa pagputol at balling o paglilipat sa mga puno sa Luneta Hill, Baguio City dahil sa expansion ng isang malaking shopping mall.

Sa isinagawang summer en banc session ng Korte Suprema sa Baguio City, sinabi ni SC Spokesman Brian Hosaka na mananatili ang TRO na ipinataw nito laban sa SM Mall.

Ibig sabihin, maaaring magsagawa ng ano mang pamumutol ng mga punong kahoy ang pamunuan ng mall para sa isasagawang expansion.

Maaari lamang mabawi ang permament status ng TRO laban sa nasabing mall kung masusunod ang pagkuha nito ng aplikasyon para sa environmental compliance certificate (ECC) mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Nag-ugat ang reklamo sa kasong naisampa sa pagitan ng Cordillera Global Network laban kay dating Environment Sec. Ramon Paje at iba pang opisyal ng pamahalaan.