Binigyang linaw ni Defense Secretary Mark Esper na layunin umano ni US President Donald Trump na depensahan ang Saudi Arabia at United Arab Emirates mula sa agresibong paggalaw ng Iran nitong mga nakalipas na buwan.
Sa kabila ito ng pagpayag ni Trump sa request ng dalawang bansa na magpadala ng dagdag military troops at military equipment upang depensahan ang kanilang rehiyon.
Ayon pa kay Esper, magfofocus umano ang mga ito sa air at missile unit deployments ngunit hindi pa raw nila lubos na napag-uusapan kung ilan at kailan ipapadala ang mga ito.
Maaasahan daw na ilalabas ng kanilang ahensya ang buong detalye patungkol sa deployment sa oras na mapag-usapan na ang naturang paksa sa susunod na linggo.
Narito ang tinig ni Defense Secretary Mark Esper.
Una rito, sinabi ni Treasury Secretary Steven Mnuchin na ang Iranian central bank ang huling source of fund ng bansa matapos sampalin ng American president ng panibago at mas mataas na sanction ang Iran.
Ipinag-utos kasi ni Trump ang pagputol sa lahat ng pinagkukunan ng pera ng Iran kasama na rito ang kahit anong negosasyon ng American bank sa Iranian central bank dahil na rin sa paniniwala nitong pagpapasabog ng nasabing bansa sa dalawang oil facilities ng Saudi Arabia.
Narito ang tinig ni US President Donald Trump.