CAGAYAN DE ORO CITY – Pinatiyak ni Police Regional Office 10 Director Brigadier General Jaysen De Guzman na mabigyan ng maximum deployment ng tropa ang higit dekada ng kapistahan ng Itim na Nazareno sa Cagayan de Oro City.
Kasunod ito ng kahandaan ng Cagayan de Oro City Police Office na siyang mangunguna na magbigay seguridad para sa kapistahan ng Poon partikular sa magaganap na prosesyon ng madaling araw ng Enero 9 sa ilang pangunahing lansangan ng lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni PRO 10 spokesperson Major Joann Navarro na maliban sa kinaugalian na mga pinahintulutan at ipinagbawal na mga bagay at gawainn ng deboto, ide-deploy rin ang ilang snippers sa high rise buildings at sniffing dogs para matiyak ang pangkalahatan na seguridad ng aktibidad.
Sinabi nito na ipapatupad rin ang signal jamming sa mga oras na nasa kasagsagan ng prosesyon ang Poon.
Bagamat walang naiulat na banta ng seguridad subalit hindi nagbigay pakampante ang mga otoridad patungkol sa taunang religious activity.
Maggugunitang unang dumating ang replica ng Black Nazarene sa syudad mula sa Quiapo Church taong 2009 at hanggang ngayon ay patuloy na dinagsa ng libu-libong mga deboto mula sa karatig lugar ng Mindanao at Visayas.