-- Advertisements --
Hong kong protests rallies 1

Muling nagsagawa ng pag-iikot ang tropa militar ng China sa Hong Kong bilang paghahanda umano nito na tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa kabila ng anti-government protests doon.

Inaasahan naman ng ilang Asian at Western diplomats ang pagkilos na ito ng People’s Liberation Army (PLA).

Napag-alaman din na nakumpleto na ng air, land, maritime forces ang naturang troop rotation.

Tinatayang nasa 8,000-10,000 sundalo naman ang nag-ikot sa magkahiwalay na bahagi ng Southern China at Hong Kong.

Una nang kinondena ng China ang patuloy na pangangalampag ng libo-libong nagpo-protesta sa Hong Kong.

Inakusahan din nito ang Estados Unidos at United Kingdom sa pangingialam di-umano ng mga ito sa karahasang nangyayari sa Hong Kong.