Iniulat na umatras na umano mula sa Hostomel Airport, malapit sa kabisera ng Ukraine ang mga puwersa ng Russia ayon sa UK military intelligence.
Ang nasabing lugar ay siyang naging “subject” ng labanan mula ng magsimula ang giyera.
Ngunit sa panig ng pangulo ng Ukraine, sinabi ni Volodymyr Zelensky na “mabagal ngunit kapansin-pansin” ang pag-pull-out ng mga Russian troops sa hilaga bahagi ng bansa.
Naganap sa Hostomel ang matinding bakbakan mula noong Pebrero 24, nang dumating ang mga Russian airborne troops sakay ng helicopter upang agawin ang isang cargo airport.
Ang Hostomel ay isang maliit at strategically na mahalagang bayan.
Bago ang digmaan, ito ang tahanan ng pinakamahalagang international cargo airport ng Ukraine at isang pangunahing military airbase.
Samantala sa kasalukuyan, inihayag ng United Nations’ cultural agency, Unesco na nasa 53 historical sites ng Ukraine ang nasira dahil sa digmaan.
Ito ay kinabibilangan ng 29 simbahan; 16 na historical buildings; apat na museums at apat na monuments.
Ang ilang mga nasirang site ay nasa dalawang pinakamalaking lungsod ng Ukraine – Kyiv at Kharkiv – ngunit gayundin sa Chernihiv, isa sa pinakaluma nito.