-- Advertisements --

Siniguro na ng TNT Tropang Giga na hindi na masasayang ang kanilang pinaghirapan matapos talunin ang Converge FiberXer 98-91 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.

Nanguna sa panalo ng TNT si Jayson Castro na nagtala ng 14 points, limang rebounds at tatlong assists habang mayroong 21 points at 10 rebounds ang import nila na si Rondae Hollis-Jefferson.

Nakapag-ambag naman ng 17 points si Rey Nambatac habang mayroong 14 points si Calvin Oftana.

Mayroon na ngayon ang TNT ng limang panalo at isang talo na tabla na sila ng Meralco Bolts sa unang puwesto ng Group A.