-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng PBA Governors’ Cup ang TNT Tropang Giga matapos na ilampaso ang Rain or Shine 113-95.

Hindi na pinaporma pa ng TNT ang Elasto Painters para makuha ang 4-1 na bentahe sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Lungsod na Alaminos.

Bumida sa panalo ng TNT si Rondae Hollis-Jefferson na mayroong 36 points, 11 rebounds, siyam na assists at anim na steals.

Mula sa simula ng laban ay hindi na pinaporma pa ng TNT ang Rain or Shine.

Hinihintay lamang nila ang sinumang manalo sa pagitan ng Beermen at Barangay Ginebra kung saan hawak ng Ginebra ang kalamangan 3-2.