NAGA CITY- Itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang lalawigan ng Camarines Sur dahil sa sama ng panahon na dala ni Bagyong Ofel.
Ayon sa Severe Bulletin No. 4 ng PAGASA, mayroon itong lakas ng hangin ng hanggang 45 km/hr at pagbugso na nasa 55km/hr.
Namataan rin ang sentro ng bagyo sa layong 30 km East Northeast ng Borongan City, Eastern Samar.
Samantala nakataas rin sa TCWS No. 1 ang Southern portion ng Quezon (San Francisco, San Andres, San Narciso, Mulanay, Catanauan, Buenavista, Guinayangan, Tagkawayan, Calauag, Quezon, Alabat, Perez, Atimonan, Unisan, Padre Burgos, Agdangan, Plaridel, Gumaca, Lopez, General Luna, Macalelon, Pitogo), Camarines Norte, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate (including Ticao and Burias Islands), Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, at ang Northern portion ng Leyte (Tabango, Leyte, San Isidro, Calubian, Capoocan, Carigara, Jaro, Pastrana, Dagami, Tabontabon, Tanauan, Palo, Santa Fe, Alangalang, Tacloban City, Babatngon, San Miguel, Barugo, Tunga).