-- Advertisements --

Isa ng tropical depression ang binabantayang low pressure sa northern Luzon.

Ayon sa PAG-ASA, na ang Low Pressure Area sa west Ilocos Sur ay tatawaging tropical depression Nika na siyang pang-14 na bagyo ngayong taon.

Nakita ang sentro nito sa may 200 kilometers west southwest ng Sinait, Ilocos Sur na mayroong lakas ng hangin na 55 kilometers per hour at pagbugso ng 70 k ph.

Nagbabala ang ahensiya ng malakas na pag-ulan sa southern Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Mountain Province, Ifugao, Benguet, La Union, Pangasinan, Central Luzon, northern Quezon kabilang ang Polillo island at Rizal.

Makakaranas din ng pag-ulan sa Metro Manila at ilang bahagi ng luzon.