-- Advertisements --
nimf
TS Nimfa/ Pagasa FB image

Bahagyang bumilis ang kilos ng tropical storm Nimfa habang binabagtas nito ang North-Northwestward.

Ayon sa PAGASA, nakita ang centro ng bagyo sa may 715 km East Northeast ng Basco, Batanes.

May dalang hangin ito ng 65 km/h at pagbugso ng hanggang 80kph.

Makakaranas ng mga pag-ulan pa rin ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, Pangasinan, Mindoro Province, Romblon, Marinduqeu at Calamian Island.

Inaasahan na sa Sabado ng umaga ay makakalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang nasabing bagyong Nimfa.