-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magdudulot ng pag-ulan sa Davao region ang natagpuang low pressure area (LPA) sa Philippine Area of Responsibility.
Sa huling ulat ng PAGASA, hindi inaasahan na magiging tropical cyclone ang LPA na natagpuan sa layong 575 kilometers southeast ng General Santos City.
Gayunpaman, pinaalalahanan ng state weather bureau ang Davao region na makakaranas ito ng light to moderate rains and thunderstorms na maaaring magdulot ng flash floods at landslides.