Wala pang bagong koponan na aaniban si Troy Rosario matapos na ito ay pakawalan ng Blackwater Bossing.
Matapos ang desisyon ng Bossing ay pumayag ang PBA na maging unrestricted free agent na si Rosario.
Nangangahulugan nito na maari na siyang pumili ng mga koponan na nais niyang salihan.
Nakasaad sa bagong panuntunan ng PBA free agency na ang lahat ng mga manlalaro na drafted noong 2015 ay otomatikong maidedeklarang unrestirected free agency.
Ilan naman sa malapit sa 6-7 center ay sinasabing interesado itong sumali sa Barangay Ginebra dahil ito umano ang kaniyang paboritong koponan noong bata pa siya.
Hindi rin nito maikakaila na may alok sa kaniya na maglaro sa Japan B. League kung saan tiyak na ang kaniyang sahod na aabot sa P1.2 milyon kada buwan.