-- Advertisements --

Muling napili ng Gilas Pilipinas si Troy Rosario na sasabak sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Siya ang unang napili matapos na dumanas ng injury sina Kai Sotto at Kevin Quiambao.

Sinabi ni Gilas head coach Tim Cone na siya ang kukumpleto sa final 12 na isusumite nila.

Huling naglaro sa Gilas si Rosario ay noong 2021 Southeast Asian Games.

Magugunitang nagtamo ng anterior cruciate ligament (ACL) tear si Sotto habang ang 6-foot-6 na si Quiambao ay dumaranas ng right ankle injury.

Unang makakaharap ng Gilas Pilipinas sa Pebrero 20 ang Chinese Taipei habang makakalaban nala ang New Zealand sa Pebrero 23.