Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na muli nilang ipapatupad ang truck ban policy simula sa Lunes, May 17.
Sa isang advisory, sinabi ng MMDA na ang truck ban policy ay para sa re-implementation sa pangunahing mga kalsada sa Metro Manila kasunod na rin ng deklarasyon ng general community quarantine (GCQ) classification sa National Capital Region epektibo ngayong araw.
Ayon sa MMDA sa umiiral na truck ban policy, ang mga trucks ay bawal na bumiyahe sa mga major thoroughfares ng Metro Manila mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi mula Lunes hanggang Sabado.
Samantala naman ang total truck ban ay ipapatupad sa kahabaan ng EDSA, mula sa Magallanes Interchange sa Makati City hanggang North Avenue sa Quezon City sa loob ng 24 oras kada araw mula Lunes hanggang Linggo.
Gayunman ang mga trucks na may mga karagang perishable at agricultural products ay exempted sa ban.
Muli rin namang nilinaw ng MMDA na ang number coding scheme ay suspindeo pa rin until further notice.