-- Advertisements --

(Update) LA UNION – Pinalaya na ng mga otoridad ang driver ng truck na nakabanggaan ng ambulansya sa kahabaan ng national highway sa Barangay Ili Norte sa bayan ng San Juan, La Union nitong Miyerkules.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay P/SSgt. Rexter Suriben, imbestigador ng San Juan Police, pinalaya nila si Sebastian Torretio, 51, ng Urdaneta City, Pangasinan matapos ang reglamentary period.

Ayon kay Suriben, wala umanong pormal na reklamong isinampa kay Torretio bagama’t may nauna na nang pag-uusap ang pamilya ng mga biktima at ang may-ari ng truck.

Napag-alaman na ang totoong driver ng ambulansya ay ang namatay na si Samuel Hufano, 59, residente ng Barangay Pao Norte, San Fernando City, La Union, ngunit pinalitan umano ni Delos Santos nang mangyari ang aksidente.

Kung maalala, ibinyahe mula sa Batac, Ilocos Norte patungo sa ospital ng Valenzuela si Jessie Acorda, 49, na matagal ng may iniindang sakit ng tiyan.

Sa ngayon ay, nasa mabuti na umanong kalagayan ang tatlo pang biktima habang nagpagamot sa ospital habang mamayang gabi naman ibibyahe ang labi ng tatlong biktima na namatay sa panggaan ng dalawang behikulo.