GENERAL SANTOS CITY – Patuloy ang hot pursuit operation ng mga otoridad sa mga rebeldeng grupo na siyang nanunog sa truck na pagmamay-ari ng dating bise alkalide ng Malapatan, Sarangani Province.
Ayon kay Lt. Gerry Maburang, spokesperson ng 73rd Infantry Battalion Philippine Army, sinunog ang Saddam truck ni dating Vice Mayor Jimmy Bagit noong nakaarang araw ng mga tao ni Peter Mongquil sa Platoon Central Front 71.
Apat umano ang suspek na sumunog sa truck sa isang Sitio sa Barangay Kihan, Malapatan.
Ayon pa kay Maburang, hindi na nagbibigay ng revolutionary tax si Bagit saNew People’s Army (NPA) dahilan para sunugin ang kanilang truck.
Napag-alaman na ang Saddam ay bumibiyahe sa Alabel-Kihan-Malapatan at nagdadala ng mga produkto galing sa nabanggit na sitio papuntang lungsod.
Sa ngayon, naihain na ang kasong arson laban sa teroristang NPA.