-- Advertisements --

Nanawagan ang grupo ng mga truckers sa Toll Regulatory Board (TRB) na kung maari ay muling ipagpaliban ang planong pag-implementa ng cashless toll collection system na ipapatupad sa Marso 15, ngayong taon.

Ayon kay Connie Tinio ang pinuno ng Central Luzon Truckers nakita nilang hindi pa handa ang TRB sa magandang implementasyon ng program dahil may ilang problemang kinakaharap ang kanilang miyembro na dumadaan sa RFID Lanes.

Ilan sa mga reklamo ay magkakaiba umano ang basa at bukod pa dito ay mayroong mga load na ninanakaw.

Itinanggi naman ni TRB spokesperson Julius Corpuz ang alegasyon at sinabing ang nasabing mga problema ay kanila ng natugunan na.

Mayroon din aniya silang kakaharapin na multa sakaling hindi bigo silang makamit ang standard na pagpapalakad ng toll.