-- Advertisements --

Binigyan ni Taylor Swift ng tig-$100,000 bilang bonuses sa mga truckers nito na nagdala ng kaniyang mga kagamitan sa isinasagawa nitong Eras Concert.

Ibinigay nito ang tseke sa kaniyang concert sa Santa Clara, California.

Ang mga nakatanggap ng bonuses ay mga production truck drivers na nagdadala ng mga equipment para sa concert ng singer.

Aabot sa 50 truckers para sa kaniyang US tour kung saan ibig nitong sabihin ay aabot sa $5 milyon ang kaniyang naipamigay na bonuses.

Bukod sa mga truckers ay nakatanggap din ng bonueses ang band members, dancers, lightning and sound technicians, caterers at iba pa.

Magugunitang kumita ng mahigit $1-bilion ang concert tour ni Swift sa US lamang.