Labis na nagpasalamat si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa lahat ng suporta na kaniyang natanggap matapos nitong mapanatili ang kaniyang posisyon sa isinagawang general election ngayong araw.
Ito na ang ikalawang termino ni Trudeau bilang prime minister ng nasabing bansa.
Natalo ni Truduea sa nasabing eleksyon ang leader ng Conservative Party na si Andrew Scheer. Halos 300 parliamentary seats ang pinag-agawan ng mga kandidato kung saan 170 seats ang nakuha ng Liberal Party na pinamumunuan ni Trudeau.
Unang umupo sa kaniyang pwesto si Trudeau noong 2015. Kamakailan lamang din ng maglabasan ang mga lumang litrato nito kung saan pininturahan ng kulay itim ang kaniyang mukha na nagbunsod para tawagin itong racist laban sa mga black Americans.