-- Advertisements --

Nanawagan si Canadian Prime Minister Justin Trudeau na tigilan na ng mga truckers ang ginagawa nilang kilos protesta.

Sinabi nito na labis siya ng nagulat at dismayado sa ibang pag-uugali ng mga protesters.

Ilan sa mga dito ay ang vandalism at racial abuse.

Dagdag pa ng Canadian Prime Minister na hindi nila pinipigilan ang karapatan ng bawat isa na magprotesta subalit ang nagiging mali lamang ay naapektuhan na ang kanilang ekonomiya.

Magugunitang umabot na sa dalawang linggo ang isinasagawang kilos protesta ng mga truck drivers laban sa patakaran na dapat ay bakunado na sila sa pagpasok sa Ottawa.

Dahil sa pangyayari ay idineklara ni Ottawa Mayor Jim Watson ang state of emergency matapos na nahigitan na ng mga protesters ang kapulisan.