-- Advertisements --
Hinatulang guilty ang longtime adviser ni US President Donald Trump na si Roger Stone.
Ito ay matapos na ireklamo ng seven counts of lying to Congress, obstruction at witness tampering.
Napatunayan ng korte na may kinalaman siya tungkol sa impormasyon na hawak ng Wikileaks tungkol sa paninirang emails kay Hillary Clinton noong 2016.
Posibleng makulong ito ng 20 taon sa witness tampering habang ang ilang counts ay may tig-lilimang taon na hatol.
Lumabas din na inimbento lamang ni Stone ang kaniyang testimonya sa House of Representatives Intelligence Committee noong 2017 sa pag-iimbestiga tungkol sa panghihimasok ng Russia sa US elections.