Kanya-kanya nang deklarasyon na panalo ang mahigpit na magkaribal na sina US President Donald Trump at dating Vice President Joe Biden.
Ang pahayag ng dalawa ay sa kabila na hindi pa tapos ang pagbibilang at wala pang unang nakakaabot sa magic number na 270 electoral votes.
Una rito, madaling araw sa East Coast, nagsalita sa harap ng kanyang mga supporters sa Wilmington, Delaware sa isang parking lot kung saan tahasang sinabi ni Biden na maganda ang kanyang pakiramdam sa itinatakbo ng halalan.
Gayunman, kahit mataas ang kumpiyansa dapat umanong ‘wag maging kampante at dapat aniyang mabilang ang lahat ng balota.
“It ain’t over till every vote is counted, every ballot is counted,” ani Biden kasama ang kanyang misis sa stage na malapit lamang sa isang convention center. “But we’re feeling good. We’re feeling good about where we are.”
Samantala, matapos naman ito, naglabas ng kanyang pahayag si Trump gamit ang kanyang Twitter account.
Sinabi ng incumber President, magbibigay din siya ng statement sa kanilang “big win.”
“I will be making a statement tonight. A big WIN!,” pahayag ni Trump sa social media.
Inakusahan din ni Trump ang kalabang partido ng umano’y pandaraya.
“We are up BIG, but they are trying to STEAL the election. We will never let them do it.”
Habang sinusulat ang balitang ito ang ilang media networks tulad ng ABC News ay abanse sa kanilang projection si Biden na may 220, at si Trump na merong 213 electoral votes.
Sa Fox News si Biden ay 237 at 213 naman si Trump.