-- Advertisements --

Kapwa nasa Florida ngayon sina US President Donald Trump at Democratic presidential candidate Joe Biden para mangampanya.

Itinuturing kasi na isang crucial swing state ang Florida kaya isa ito sa mga nililigawan ng dalawa para makakuha ng boto.

Ginanap ang kampanya ni Biden sa drive-in rally sa Coconut Creek habang sa in-person rally naman sa Tampa si Trump.

Sinimulan ni Biden ang kampanya sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask at pagpatupad ng social distancing.

Agad nitong binanatan si Trump tungkol sa mahinang COVID-19 response nito.

Hindi rin nagpatalo si Trump kung saan binatikos si Biden dahil sa mahinang programa sa ekonomiya ang ipinapatupad nito.

Mayroong 29 electoral votes kasi ang Florida na siyang pumapangalawa sa Texas na mayroong 38 electoral votes kung saan kailangan ng bawat kandidato na makakuha ng 270 na boto para manalo.

Kasama rin ito sa battleground bukod pa sa Arizona, Michigan, North Carolina, Wisconsin, Pennsylvania at Georgia.