-- Advertisements --

May kaniya-kaniyang mga lakad ang mga kandidato sa pagkapangulo sa US sa pagsisimula na ng halalan.

Binisita ni US President Donald Trump ang Republican National Convention Offices sa Virginia kung saan pinasalamatan niya ang mga empleyado doon dahil sa pagsama sa kaniya noong kasagsagan ng halalan.

Isinagawa ni Trump ang nasabing pagbisita matapos ang isagawa ang motorcade sa Arlington, Virginia.

Makakasama naman nito si Vice President Mike Pence sa Election Night sa White House.

Kasama naman ni Democratic Presidential at dating US Vice President Joe Biden ang dalawa nitong apo na sina Finnegan at Natalie at umuwi sa bayan nito sa Scranton, Pennsylvania.

Bago ito ay dumalo si Biden ito sa misa sa Catholic church sa Wilmington, Delaware at binisita ang puntod ng anak na si Beau Biden at ang puntod ng namayapang asawa at anak na babae.