-- Advertisements --

May kaniya-kaniyang pakulo sina dating US President Donald Trump at Vice President Kamala halos dalawang linggo na lamang na natitira bago ang US Presidential election.

Nagsimula na rin ang early voting sa 26 na estado sa kabuuang 50 estado.

Nasa pangunahing swing state ng Pennsylvania si Trump at inaasahan na manonood ito ng laro ng Pittsburg Steelers at magsasagawa ng rally sa Lancaster.

Isa sa mga gimmick ngayon ni Trump habang nasa Pennsylvania ay pumasok ito sa isang sikat na fast food chain at nagbihis bilang isang crew.

Makikitang sinamahan niya ang mga crew doon na naghanda ng mga orders.

Habang si Harris ay nagdiwang ng kaniyang ika-60 na kaarawan sa Georgia.

Inawitan siya ng mga dumalo sa misa sa Georgia kung saan pinasalamatan ng bise presidente ang mga supporters.