-- Advertisements --
Nagkasundo ang sina dating US President Donald Trump at Vice President Kamala Harris para sa mga panuntunan sa kanilang debate sa Setyembre 10 sa Philadelphia.
Sinabi ng dating US President, na igagaya ang kanilang debate sa naunang ipinatupad noong kaharap pa niya si US President Joe Biden.
Dagdag pa ni Trump na ang nasabing mga panuntunan noong una ay naging mabisa sa mga kandidato.
Una rito ay nagtalo ang dalawang panig kung dapat bang patayin ang mikropono ng bawat panig tuwing may magsasalita para hindi makasira sa debate.