-- Advertisements --
Puspusan pa rin ang ginagawang kampanya nina US Vice President Kamala Harris at dating US President Donald Trump.
Sa natitirang apat na araw bago ang halalan ay patuloy ang pag-ikot ng dalawa sa iba’t-ibang bahagi ng US para manuyo ng mga botante.
Nagtungo sa Dearborn, Michigan si Trump para ligawan ang Arab Americans voters.
Sinabi ni Trump na kaniyang tatalakayin sa kaniyang pagbisita ang isyu ukol sa Lebanon.
Samantala, nadagdagan pa ang nagpahayag ng suporta kay Harris.
Sa pagtungo ng US Vice President sa Pennsylvania ay inihayag ni Governor Josh Shapiro ang suporta kay Harris.
Sinabini Shapiro na matagal na niyang nakilala ang US Vice President kung saan ito na ang magdadala ng tagumpay sa ekonomiya ng US.