-- Advertisements --

Puspusan na ang ginagawang pangangampanya nina US Vice President Kamala Harris at dating US President Donald Trump.

Mayroon na lamang isang linggo kasi bago ang gaganaping US Election.

Nasa Washington DC mangagampanya si Harris kung saan dinagdagan nila ang bilang ng mga dadalo.

Mula kasi sa dating 20,000 ay itinaas ng White House ang National Park Service permit at ginawa nila itong 40,000.

Habang nasa Florida nangagngampanya si Trump kung saan inaasahan ang pagdalo ng mga ilang siakt na personalidad.