Puspusan na ang pangangampaniya ng dalawang US presidential candidates na sina dating US President Donald Trump at US Vice President Kamala Harris sa mga “key swing states” kabilang ang North Carolina dalawang araw bago ang US elections.
Kasalukuyang nasa Greensboro ang dating US president habang si Harris ay nasa Charlotte para sa kanikanilang mga huling campaign rally.
Binanatan ni Trump ang binagong 15 polisiya ni Harris habang nakaupo bilang pangalawang pinakamatas na opisyal ng Estados Unidos.
Aniya, naging dahilan umano ng mga malalaking problema ang mga naging aksyon na ito ng bise presidente at tinawag pa niya na “the worst vice president” ng US si Harris na nagtatrabaho umano sa pinakamalalang presidente sa kasaysayan ng kanilang bansa.
Sinagot din ng parinig ni Harris ang dating US President kung saan sinabi nito na kung si Trump ang maupong pangulo mas uunahin nito na mabahala sa kaniyang mga kaaway kaysa paglingkuran ang kaniyang sinasakupan.
Banat ni Harris kay Trump,” We are not going back!”