-- Advertisements --

Kinumpirma mismo ni United States President Donald Trump na nagpositibo ito sa coronavirus disease.

Sa kaniyang official Twitter account, sinabi ni Trump na kasama niyang nagpositibo mula sa deadly virus ang kaniyang maybahay na si Melania Trump.

Una nang sinabi ng Republican president na sasailalim ito sa 14-days quarantine matapos magpositibo sa parehong sakit ang kaniyang close aide na si Hope Hicks.

Magugunita na isa si Trump, 74, sa mga hindi sumasang-ayon sa pagsusuot ng face mask kahit mataas na ang kaso ng coronavirus disease sa Amerika.

Para naman sa unang ginang ng Amerika, tiniyak nito na maayos naman daw ang kalagayan nila.

Lahat daw ng schedules ni Melania ay ipinagpaliban muna habang sila ay nasa self-quarantine sa White House.

“As too many Americans have done this year, @potus & I are quarantining at home after testing positive for COVID-19. We are feeling good & I have postponed all upcoming engagements. Please be sure you are staying safe & we will all get through this together,” ani Melania sa kanyang Twitter account.