-- Advertisements --

Posibleng sa susunod na linggo ay matutuloy na ang personal na pagkikita nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin.

Sinabi ni Yuri Ushakov ang aide ni Putin, na ito ang isasagawa matapos ang matagumpay na pag-uusap ng negotiating team nila sa Saudi Arabia.

Ilan sa maaring tatalakayin nila ay ang mga kondisyon para tuluyan matapos ang gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay tinawagan ni Trump sina Putin at Ukrainian President Volodymyr Zelensky kung saan tinalakay dito ang pagtatapos na ng giyera sa dalawang panig.