Tinawagan ni US President Donald Trump si Russian President Vladimir Putin at pinag-usapan ang imbestigasyon tungkol sa panghihimasok ng Russia noong nakaraang US elections.
Sinabi ni Trump na sa mahigit isang oras na pag-uusap nila ay hindi niya binanggit kay Putin na huwag makialam sa kanilang halalan sa 2020.
Tinawag din nila na isang “Russian Hoax” ang imbestigasyon tungkol sa panghihimasok ng Russia noong 2016 US elections.
Inilarawan naman ni Press Secretary Sarah Sanders na ang pag-uusap ng dalawa ay may positibong resulta.
Napag-usapan ng dalawa ang ilang mahahalagang bagay gaya ng nagaganap na kaguluhan sa Ukraine na nagresulta sa pagkansela ng US president sa pagkikita niya kay Putin.
Nanindigan din si Trump na sinusuportahan niya ang opposition leader ng Venezuela na si Juan Guaido.