Naniniwala si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na maaring makamit na ngayong taon ang pangmatagalang kapayapaan.
Ito kasi ang tinalakay nila ng makausap sila ni US President Donald Trump sa telepono.
Ang nasabing pag-uusap ay isang araw matapos na tinawagan din ni Trump si Russian President Vladimir Putin.
Sa nasabing pag-uusap ay inilatag ng US ang maaring kondisyon para kapwa tumugon ang Ukraine at Russia.
Bukod sa nasabing pangmatagalan ceasefire ay ang pagtigil na rin sa pag-atake sa mga energy facilities.
Magugunitang nagkaroon na ng pag-uusap ang kinatawan ng US at si Zelensky sa Saudi Arabia noong nakaraang linggo.
Habang muling mag-uusap sa telepono sa araw ng Lunes sina Trump at Putin matapos na hindi sumang-ayon ang Russia sa full ceasefire.